di ako tinamaan pero….
Sunday, March 19th, 2006una sa lahat, gusto kong malaman mo na hindi ko alam kung ano ang problema talaga…
bigla ka na lang umiwas…
kung kelan akala ko ok na tayo lahat…
nagkasiyahan pa nga tayo di ba?!
tapos ngaun, nagpopost ka pa jan ng kung ano..
at ayaw mong sabihin kung bakit…
at gusto mo pa talagang mabasa namin?!
at ngaun nabasa ko na, anong gusto mong iparating?
anong problema mo?
at anong problema natin?
ano ang nangyari na’t hindi na maiiwasan?!
duh!
nakakainis… matagal na din ang isang taon para malaman mo na ayoko ng hindi diresto magsalita..
kung me gusto kang iparating sabihin mo!
hindi ung simpleng nagpapatama ka lang!
at sa totoo lang, hindi ako tinamaan.
dahil alam kong wala akong nagawang mali sau.
pero…
gusto kong malaman kung me problema ba talaga…
magkakahiwalay na tau eh!
gusto ko maayos muna ito…
at higit sa lahat, dahil kaibigan kita…
ayoko ng madrama, pero pinaka ayoko ang nang-iiwan ng kaibigan.
nakakainis…
sana magkaliwanagan tau…
ayoko ng PLASTIKAN!
please lang…
sbihin mo na!
ayusin na natin ito!